Miyerkules, Setyembre 11, 2013

The One That Got Away (Short Story)



5 years...

Kaytagal na pala...

Ang daming nawala...

Ang daming nabago...

Pero bakit ang lintek kong puso ayaw pa ring tumigil sa pagtibok para sayo...

 "Oh Rei, you're finally here...I've been waiting for you." sabi ng bestfriend kong si Angelica sakin saka nakipag-beso.

  "Nahihiya nga ako sayo eh, di ako umabot sa simbahan. By the way, where's Jelina?" tanong ko naman sa kanya.

 "Ayun, nasa daddy niya. Ahmm...wait! Kukunin ko lang siya." pagkasabi niya nun eh naglakad na siya patungo sa mag-ama niya.

 Sana wala siya dito...

Hindi ko makakayang makita siya ulit...

He has caused me too much pain...too much loss...

Dahil sa iniisip ko ay di ko namalayang nakalapit na pala ulit sakin si Angelica karga karga ang anak niyang si Jelina.

"Rei, I know what you are thinking. Don't worry, he's not here. He said that he couldn't come. He's busy daw."

 "What makes you think I'm thinking about him?"

 "I know you, Reihina Florencio...matago mo man ang nararamdaman mo sa ibang tao pero hindi sa akin."

 "I really don't want to see your cousin Angelica. I hate him."

"I totally understand Rei. O eto na pala ang inaanak mo, ang ganda-ganda...manang-mana talaga sa akin."

"Nahiya naman ako sa pagmumukha mo." biro ko naman sa kanya

 Inabot niya sakin ang anak niyang si Jelina na inaanak ko. Yun nga ang rason kung bakit ako nandito dahil binyag niya ngayon. 

 Tiningnan ko ang bata, ang ganda nga niya...kamukhang-kamukha niya si Angelica. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang patuloy kong pinagmamasdan ang mukha ng bata...

 Ang anak ko kaya? Kamukha niya rin kaya ako kung nabuhay siya? O baka si Matt ang magiging kamukha niya...Hay! Kada nakakakita kasi ako ng mga bata eh naaalala ko ang anak ko...bumabalik lahat ng sakit. Gustong-gusto kong magalit sa kanya, dahil iniwan niya ako...nagkaroon ako ng miscarriage at nawala ang anak ko. Pero bakit kahit anong sulsol ko sa utak kong magalit sa kanya eh hindi ko pa rin magawa. Dahil sinisigaw ng puso kong mahal na mahal ko pa rin siya. 

 Siya ang aking the one.

 Ang nag-iisang lalaking minahal ko at patuloy pa ring mamahalin.

 The one that got away...

 Naramdaman kong umiinit na ang gilid ng mga mata ko kaya tinawag ko na si Angelica para kunin sa akin si Jelina.

 "Gel, kunin mo muna si Jelina..."

 "Friend, ok ka lang? Pasensiya na ha? Baka napilitan ka lang pumunta dito."

 "Naku! Ikaw talaga! Hindi no, hinding hindi ako mapipilitan when it comes to you...mahal ko ang best friend ko eh."

 "Asus! Nag-emote na si bestfriend, o siya punta muna kami ni Jelina dun ha? Kumain ka na."

 "Sige." 

 "Balikan na lang kita dito ha? Aasikasuhin ko muna ang mga bisita."

 Nginitian ko na lang siya. Nang makaalis na si Angelica eh kumuha na ako ng makakain at naghanap ng pwedeng upuan. Nag-iisa lang ako sa table na nasa bandang gilid na ng function hall. Nagsimula na akong kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang namatay ang mga ilaw sa buong fuction hall.

 Naku naman! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ni Angelica at ginawa ba namang gabi ang binyag ng anak niya?

 Maya-maya pa ay natuon ang atensyon ng lahat sa maliit na stage sa function hall dahil biglang umilaw ang spotlight doon, nakatayo doon ang isang lalaki...

 S-s-si Matt?

 B-bakit andito siya?

 Diba sabi ni Angelica eh hindi siya makakapunta?

 Parang gusto kong lamunin nalang ako ng lupa para hindi ko siya makita. Hindi ko na kayang magtagal dito. Pero hindi naman ako makaalis at magwalk-out dahil ang dilim ng paligid. Bakit ba hindi nagrereklamo ang mga tao dito? 

 Ano namang balak ni Matt? Sasaktan niya ako ng harap-harapan? Baka mag-propose siya sa babae niya...at talagang sa harapan ko pa? Gusto niya ba talaga akong patayin sa sakit?

Dahil kung oo...gumagana ang ginagawa niya. Unti-unti nang namamatay ang puso ko.

 Parang tutulo na ang luha ko nang marinig ko siyang nagsalita. How I missed his voice...how I miss him...

 "Magandang gabi po sa inyong lahat. Pasensiya na po sa istorbo ha? Sa tingin ko po kasi'y ito na ang tamang panahon para magkasama kami ng babaeng pinakamamahal ko..."

 Ang swerte naman ng babaeng yun...sana ako nalang siya...naramdaman ko na ang paglandas ng luha sa mukha ko pero hindi ako makaalis dito. Bakit ba gustong-gusto mong makitang nasasaktan ako?

 "Alam kong marami akong naging kasalanan sa kanya...pero lahat ng yun eh ginawa ko para sa ikabubuti niya...ipinaglaban ko naman siya eh...hindi ako sumuko, at kahit kailan ay hindi ko siya susukuan..."

Nagulat nalang ako nang tumapat sa akin ang isang spotlight. Ano ba ang nangyayari? 

 "Alam kong galit ka sa akin...dahil iniwan kita kung kailan mo ako pinaka kailangan...ginawa ko lang naman yun para hindi ka saktan ni Alice...alam ko ang kaya niyang gawin...at ayokong masaktan ka...dahil mahal na mahal kita...pero nasaktan ka pa rin..."

Patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha sa mukha ko. Hindi ako sigurado kung sino ang sinsabihan niya...p-pero bakit pinipilit ng puso kong para sa akin lahat ng sinabi niya...

 "Limang taon din ang tiniis ko...limang taon akong nangulila sayo...I know it's foolish to say this after all what I've done...nawala ang anak natin dahil sa ginawa ko pero wala din namang mangyayari kung wala akong gagawin para itama ang lahat diba?..."

Ano ba ang pinagsasabi mo? Bakit ka sa akin tumitingin? Napansin kong natuon ang atensyon ng lahat sa akin...Ano ba talaga ang plano ng lalaking to? M-matt? Tama na o...If it's not for me...please stop this...

"Ms. Reihina Florencio, I'm asking for you forgiveness and another chance as well..."


 Nang binanggit niya ang pangalan ko'y wari'y nawala lahat ng galit ko sa kanya...lahat ng hinanakit...his voice saying my name is enough to take away all my fears na masaktan ulit...


"Rei, hahayaan mo ba akong maging parte ng bawat bukas mo? Will you be my wife?" sabi niya habang papalapit sakin.

Is this for real? Or am I just dreaming? Kung panaginip lang ang lahat ng ito, I don't want to wake up anymore...

 Nang makalapit na talaga siya sa akin inabot niya sa akin ang isang long-stemmed white rose habang nakatingin sa akin with pleading eyes.

 "Rei, answer me please." 

"M-Matt? I....I...Yes Matt, I'd be more than willing to be part of your life sa bawat bukas na darating." hindi ko rin alam kung ano na ang pinagsasabi ko. There's just one thing I'm sure of...I'm happy. Very happy. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin. 

 "Talaga Rei?" 

 "Bakit? Ayaw mo ba?"

 "Siyempre gusto." sabi niya sa akin sabay yakap ng mahigpit

 Dinampian niya ako ng halik sa noo tapos niyakap ulit. I can't explain kun gaano ako kasaya ngayon. I know masasaktan pa rin ako but one thing is for sure, alam kong mahal niya ako.

 "Is Angelica part of these?"

 "Yeah, sinabi ko sa kanyang wag sabihin sayong nakauwi na ako dito sa Pilipinas."

 "Ikaw talaga. Akala ko magpo-propose kana kanina sa girlfriend mo eh..o di kaya kay Alice..."

 "Kahit kailan alam mong kaibigan lang talaga ang turing ko kaya Alice...ikaw ang mahal ko."

"Thank you Matt. Thank you for filling the emptiness in my life."

"Rei?"

"Hmmm?"

"This time, I promise you forever."

"Yeah. Forever."

*END*

At The Beginning (Short Story)

We were strangers starting out on our journey 
Never dreaming what we'd have to go through 
Now here we are and I'm suddenly standing 
At the beginning with you...

* * * * * *

You are my first...

The first one who made me feel like this...

The first one to made me feel LOVE...

I still remembered that day...when we're still strangers. I was a transferee back then, probably we we're grade two that time. He was the one first one to approach me..."Hello, Erika ang pangalan mo diba?" Yan ang mga unang salitang narinig ko mula sa kanya...ang cute cute ng boses niya nun tsaka ang ganda ng ngiti niya.

"Ah...oo ako si Erika, ikaw...anong pangalan mo?" tanong ko din sa kanya.

"Brian. Brian, ang pangalan ko." sabi niya sabay ngiti ulit.

Since that day...lagi na kaming magkasama. Lagi niya akong sinasamahan tuwing recess he even defend me against sa mga nang-aaway sa akin. Laging siya nga ang naglilinis para sa akin eh dahil ayaw kong madumihan ang kamay ko. Nagi-guilty nga ako tuwing pinapanood ko siyang maglinis. Ang dami niyang ginawa para sa akin. He would often give me his handkerchief tuwing tumutulo yung sipon ko. Medyo gross ako noon eh, grade 2 nga lang diba? And then one day...I realized I started liking him...CRUSH ko na siya.

As days and months passed, mas naging close pa kami sa isa't isa. Our classmates would often teased us na kami na daw. Grabe nga lang eh! Imagine! We're just grade two that time. I''ll always find myself blushing tuwing tinutukso kami ng mga kaklase namin pero siya he'll just smile and say, "Ano ba, tama na nga yan...baka umiyak ang bestfriend ko eh."


I know I'm too young that time para sabihing nasasaktan ako sa mga salitang yun...pero ganun naman talaga ang nararamdaman ko eh. Parang may kirot sa puso ko everytime that he'll say that we're bestfriends. I should be happy, right? Bestfriends kasi kami eh.

Nakikita kong he really cares for me. Yun nga lang, bestfriends nga lang kami diba? Everyday that I'm with him is perfect. I'll always imagine na kami ang magkakatuluyan sa hinaharap kaso "imagination" ko nga lang lahat yun eh. Then one day, kinailangan kong magtransfer ng school bacause of my health conditions. Umiyak ako nang nalaman ko yun. Kahit mabigat, I said goodbye to him.

"Bestfriend, iiwan mo ba talaga ako?" tanong niya sakin that day. Umiiyak siya nun...isang musmos na batang umiiyak sa harapan ko na nagmamakaawang wag ko siyang iwan. Para kaming mga ewan noon...ang bata pa namin para mag-react ng ganun but we're really feeling that way.

Pero kahit ayaw kong mahiwalay kay Brian eh kailangan ko. I transferred sa isang school in Manila. At first, wala talaga akong mga kaibigan. My mother would always ask me why I'm always alone. Grade 3 na ako that time...but still I can't forget the boy who is always there for me. The boy who could make me blush like some spaced out idiot...

5 more years passed and I'll be in grade 3rd year high school sa pasukan. Sa 5 years na pananatili ko dito, I also found friends...but all of them are girls. It's late afternoon when I came home from a friend's house and I saw my mother packing our clothes.

"Ma, saan po tayo pupunta?" I asked her

Binigyan lang niya ako ng isang tipid na ngiti saka nagsalita, "Babalik na tayo ng probinsya, Erika...May kailangan akong asikasuhin dun eh."

When I heard those words came out from my mother's mouth, it's like I instantly felt happiness...I also don't know why...

Finally, the first day of school came. Grabe ang kaba ko noon...OO, kilala ko ang iba sa mga magiging kaklase ko pero kinakabahan pa rin ako. Maybe...because I would see him again. I would see Brian again. Nabalitaan kong dito rin kasi siya pumapasok. Ano na kaya ang itsura nun ngayon? May girlfriend na kaya siya ngayon? Ay! Anubey! Ba't ba ganyan ang pumapasok sa isip ko?

I found a bench at umupo ako dun while waiting for the others to come bago ako pumasok sa classroom namin. Maya-maya pa eh dumami na din silang nagsisispasukan sa room. I just look at them as I was trying to recognize some of the faces. Maya-maya pa ay nagdesisyon na akong pumasok sa classroom, umupo ako sa pinakadaulong upuan tsaka pinagmasdan ang mga tao sa paligid ko when someone called my name.

"Erika?", sabi nung lalaki...yeah, it was a boy...a very masculine voice from a very handsome man. Beside him stands a girl...girlfriend niya siguro? Or not? They have so much resemblance...

"Erika?" he repeated....that was then I realized that I'm already spacing out. He's face is very familiar...

"Ahmmm...ako nga si Erika, kilala ba kita?" I asked him. I know na nakakahiya...dahil hindi ko siya mamukhaan...but I really think I know him...

He just smiled at me....and then I realized who he was....because of his smile...

"Brian? Ikaw ba yan?"

"Oo, ako to...grabe nakakapagtampo ka naman, hindi mo na ako nakilala."

"Ah...eh....that's because you really looked different..."

"You looked different too, you're much prettier."

"You don't need to praise me....ikaw nga dyan ang gumwapo eh."

"Wala ka pang seatmate ah...can I seat beside you?"

I just smiled at him...

That was again the start of our friedship...

That was the start of me falling in love with him...

Everyday that I'm with him is like a fairytale....a prince and a princess...happily aver after...

Sometimes, I can't help but think that he also likes me, rather loves me...

Well, maybe that was my imagination...I heard from my classmates that he already courts someone and that is definitely not me...

Tinanong ko siya..."Brian, may liniligawan ka na ba?"

"Wala pa..." yan ang sagot niya pero hindi pa pala ito tapos, "Pero may balak na akong ligawan."

Those words struck me like thousands of needles into my heart...

Why not me? Why is it that it has to be another girl?

I felt that my tears would fell down anytime...but I need to stop it before it's too late...

"Ah...ganun ba...well, it's nice to hear that you've finally found someone..." I said trying to stop my tears from falling.

"Yeah...and that someone really deserves to be loved."

"She's so lucky..."

"No, Im lucky to find her."


Hayyy...that girl is very lucky to have you...Brian. I love you but you love her...

Since that day, I started drifting away from him...dahil kung ipagpapatuloy ko pa to...I'll get hurt more and more...

When we were in school, you'll always offer your company but I'll always reject you...

Dahil para sakin...this was my way to ease the pain that I felt...

Oo, hindi ko kilala kung sino yang babaeng liligawan mo but still...THE THOUGHT OF YOU WITH ANOTHER GIRL IS AGONY...

Then one day...

I need to leave again...

Maybe this was for good...

I left with no words...

Hindi ako nagparamdam sayo...baka kasi di ko makayanang iwan ka...kung makita pa kita...

***PRESENT
1 YEAR AFTER...

GOD! I can't believe this! I'm already in college...

I smiled as I looked at the students happily talking with each other...

LONER NA NAMAN AKO...

Kasi naman eh...NPA kami ni mama, kung saan2x nalang ako ita-transfer...

Pero masaya naman akong nakabalik na ako dito sa aking lupang sinilangan...

Oy! Nagiging makata na yata ako ah...

Naglakad na ako saka ko hinanap ang first class ko...pero ang hirap hanapin eh, maybe because the school is too big.

"Ouch!" I said when someone bumped me.

Agad-agad namang pinulot nung lalaki yung mga dala ko...mostly documents ko yun...

"Sorry talaga Miss...I'm in a hurry and I didn't notice you..." he said

Napatulala naman ako sa mukka niya...he's so freaking handsome...more handsome than I can remember...

"Erika?" he said

Lagi nalang yan ang sinasabi niya pag nagkikita kami...

I missed him...I want to hug him...but I can't...this can't be...

He already love someone...

I immediately grab my things from his hand and started running away like there's no tomorrow.

I heard him shouting my name...running after me...

"Erika! Please! Let's talk!"

I ran faster para hindi niya ako maabutan but still...it's not enough dahil nahawakan na niya ang mga braso ko...

"Anong kailangan mo? Do I know you Mister?" I said trying to make my voice sound realistic.

"Erika...please, wag na tayong maglokohan dito."

"Lokohan? First is...hindi kita kilala. Second, you kept calling me Erika, which is not me."

"Alam kong ikaw si Erika...and there's no way that you could fool me...again."

Again? Anong pinagsasabi niya? Gago ba siya?

"Again? Gago ka ba? Never kitang niloko Brian...and I have no reasons to fool you...stop pointing things at me na hindi ko naman ginawa, maliwanag?"

Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya, "Edi umamin ka din."

Napansin kong maraming students na ang nakatingin samin...NAKAKAHIYA! Marahil ay napansin din niya ito kaya inakay niya ako papunta sa likuran ng school.

"Let me go, Brian!"

"No! I will never let you go, again."

Never let me go, again? a simple line pero kakaibang meaning ang dulot nun sakin...it brought me hope...I cant' explain what I am exactly feeling right now...I want to cry...

"Brian..." I said...I felt a tear escaped from my eyes.

"Erika...mag-usap naman tayo."

"Wala naman tayong pag-uusapan diba?"

Instead of answering my question, he touched my face and said, "I miss you...you don't know how much I do and please don't cry...you don't know how it breaks my heart."

"Erika...wag mo na akong iwan...life without you is hell..."

What is he saying?

"Brian...ano bang pinagsasabi mo ha? Stop this, ok? Nakakairita na eh."

"Can't you understand me? I love you Erika! Mahal kita! But you left me with no explanation...you drifted away from me without a reason...and now you're here again, ipagtatabuyan mo na naman ako?"

He loves me? Pero diba...diba may mahal na siyang iba? Ano yun, nung umalis ako saka niya lang na-realiza na mahal niya ako? Pinagloloko ba ako ng lalaking to?

"I f this is just a joke...please tell me now...you don't know how it hurts to assume."

"Hindi ako nagjo-joke Erika...mahal talaga kita...ikaw lang ang lumayo."

Ba't nagdiriwang na ang puso ko? Naramdaman kong sunod-sunod nang naglandas ang mga luha sa mata ko. Mahal niya ako. Mahal ako ni Brian and it felt like heaven hearing those words from him.

"That's because you said that you already love someone."

"Is that an I love you too?"

"Maybe it is..." I said...hindi ko na-imagine na mangyayari pa to sa buhay ko.

He hugged me and then he kissed my forehead.

"Erika?"

"Hmmm...?"

"That girl I'm planning to court?"

"What? Mas mahal mo siya?" I said na may halong galit.

"That was you."

Ngayon, alam ko nang happy endings do really exist, baka madelay man siguro yung happy ending mo but still there's a happy ending intended to each of us...

 We were strangers starting out on our journey 
Never dreaming what we'd have to go through 
Now here we are and I'm suddenly standing