Miyerkules, Setyembre 11, 2013

The One That Got Away (Short Story)



5 years...

Kaytagal na pala...

Ang daming nawala...

Ang daming nabago...

Pero bakit ang lintek kong puso ayaw pa ring tumigil sa pagtibok para sayo...

 "Oh Rei, you're finally here...I've been waiting for you." sabi ng bestfriend kong si Angelica sakin saka nakipag-beso.

  "Nahihiya nga ako sayo eh, di ako umabot sa simbahan. By the way, where's Jelina?" tanong ko naman sa kanya.

 "Ayun, nasa daddy niya. Ahmm...wait! Kukunin ko lang siya." pagkasabi niya nun eh naglakad na siya patungo sa mag-ama niya.

 Sana wala siya dito...

Hindi ko makakayang makita siya ulit...

He has caused me too much pain...too much loss...

Dahil sa iniisip ko ay di ko namalayang nakalapit na pala ulit sakin si Angelica karga karga ang anak niyang si Jelina.

"Rei, I know what you are thinking. Don't worry, he's not here. He said that he couldn't come. He's busy daw."

 "What makes you think I'm thinking about him?"

 "I know you, Reihina Florencio...matago mo man ang nararamdaman mo sa ibang tao pero hindi sa akin."

 "I really don't want to see your cousin Angelica. I hate him."

"I totally understand Rei. O eto na pala ang inaanak mo, ang ganda-ganda...manang-mana talaga sa akin."

"Nahiya naman ako sa pagmumukha mo." biro ko naman sa kanya

 Inabot niya sakin ang anak niyang si Jelina na inaanak ko. Yun nga ang rason kung bakit ako nandito dahil binyag niya ngayon. 

 Tiningnan ko ang bata, ang ganda nga niya...kamukhang-kamukha niya si Angelica. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang patuloy kong pinagmamasdan ang mukha ng bata...

 Ang anak ko kaya? Kamukha niya rin kaya ako kung nabuhay siya? O baka si Matt ang magiging kamukha niya...Hay! Kada nakakakita kasi ako ng mga bata eh naaalala ko ang anak ko...bumabalik lahat ng sakit. Gustong-gusto kong magalit sa kanya, dahil iniwan niya ako...nagkaroon ako ng miscarriage at nawala ang anak ko. Pero bakit kahit anong sulsol ko sa utak kong magalit sa kanya eh hindi ko pa rin magawa. Dahil sinisigaw ng puso kong mahal na mahal ko pa rin siya. 

 Siya ang aking the one.

 Ang nag-iisang lalaking minahal ko at patuloy pa ring mamahalin.

 The one that got away...

 Naramdaman kong umiinit na ang gilid ng mga mata ko kaya tinawag ko na si Angelica para kunin sa akin si Jelina.

 "Gel, kunin mo muna si Jelina..."

 "Friend, ok ka lang? Pasensiya na ha? Baka napilitan ka lang pumunta dito."

 "Naku! Ikaw talaga! Hindi no, hinding hindi ako mapipilitan when it comes to you...mahal ko ang best friend ko eh."

 "Asus! Nag-emote na si bestfriend, o siya punta muna kami ni Jelina dun ha? Kumain ka na."

 "Sige." 

 "Balikan na lang kita dito ha? Aasikasuhin ko muna ang mga bisita."

 Nginitian ko na lang siya. Nang makaalis na si Angelica eh kumuha na ako ng makakain at naghanap ng pwedeng upuan. Nag-iisa lang ako sa table na nasa bandang gilid na ng function hall. Nagsimula na akong kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang namatay ang mga ilaw sa buong fuction hall.

 Naku naman! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ni Angelica at ginawa ba namang gabi ang binyag ng anak niya?

 Maya-maya pa ay natuon ang atensyon ng lahat sa maliit na stage sa function hall dahil biglang umilaw ang spotlight doon, nakatayo doon ang isang lalaki...

 S-s-si Matt?

 B-bakit andito siya?

 Diba sabi ni Angelica eh hindi siya makakapunta?

 Parang gusto kong lamunin nalang ako ng lupa para hindi ko siya makita. Hindi ko na kayang magtagal dito. Pero hindi naman ako makaalis at magwalk-out dahil ang dilim ng paligid. Bakit ba hindi nagrereklamo ang mga tao dito? 

 Ano namang balak ni Matt? Sasaktan niya ako ng harap-harapan? Baka mag-propose siya sa babae niya...at talagang sa harapan ko pa? Gusto niya ba talaga akong patayin sa sakit?

Dahil kung oo...gumagana ang ginagawa niya. Unti-unti nang namamatay ang puso ko.

 Parang tutulo na ang luha ko nang marinig ko siyang nagsalita. How I missed his voice...how I miss him...

 "Magandang gabi po sa inyong lahat. Pasensiya na po sa istorbo ha? Sa tingin ko po kasi'y ito na ang tamang panahon para magkasama kami ng babaeng pinakamamahal ko..."

 Ang swerte naman ng babaeng yun...sana ako nalang siya...naramdaman ko na ang paglandas ng luha sa mukha ko pero hindi ako makaalis dito. Bakit ba gustong-gusto mong makitang nasasaktan ako?

 "Alam kong marami akong naging kasalanan sa kanya...pero lahat ng yun eh ginawa ko para sa ikabubuti niya...ipinaglaban ko naman siya eh...hindi ako sumuko, at kahit kailan ay hindi ko siya susukuan..."

Nagulat nalang ako nang tumapat sa akin ang isang spotlight. Ano ba ang nangyayari? 

 "Alam kong galit ka sa akin...dahil iniwan kita kung kailan mo ako pinaka kailangan...ginawa ko lang naman yun para hindi ka saktan ni Alice...alam ko ang kaya niyang gawin...at ayokong masaktan ka...dahil mahal na mahal kita...pero nasaktan ka pa rin..."

Patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha sa mukha ko. Hindi ako sigurado kung sino ang sinsabihan niya...p-pero bakit pinipilit ng puso kong para sa akin lahat ng sinabi niya...

 "Limang taon din ang tiniis ko...limang taon akong nangulila sayo...I know it's foolish to say this after all what I've done...nawala ang anak natin dahil sa ginawa ko pero wala din namang mangyayari kung wala akong gagawin para itama ang lahat diba?..."

Ano ba ang pinagsasabi mo? Bakit ka sa akin tumitingin? Napansin kong natuon ang atensyon ng lahat sa akin...Ano ba talaga ang plano ng lalaking to? M-matt? Tama na o...If it's not for me...please stop this...

"Ms. Reihina Florencio, I'm asking for you forgiveness and another chance as well..."


 Nang binanggit niya ang pangalan ko'y wari'y nawala lahat ng galit ko sa kanya...lahat ng hinanakit...his voice saying my name is enough to take away all my fears na masaktan ulit...


"Rei, hahayaan mo ba akong maging parte ng bawat bukas mo? Will you be my wife?" sabi niya habang papalapit sakin.

Is this for real? Or am I just dreaming? Kung panaginip lang ang lahat ng ito, I don't want to wake up anymore...

 Nang makalapit na talaga siya sa akin inabot niya sa akin ang isang long-stemmed white rose habang nakatingin sa akin with pleading eyes.

 "Rei, answer me please." 

"M-Matt? I....I...Yes Matt, I'd be more than willing to be part of your life sa bawat bukas na darating." hindi ko rin alam kung ano na ang pinagsasabi ko. There's just one thing I'm sure of...I'm happy. Very happy. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin. 

 "Talaga Rei?" 

 "Bakit? Ayaw mo ba?"

 "Siyempre gusto." sabi niya sa akin sabay yakap ng mahigpit

 Dinampian niya ako ng halik sa noo tapos niyakap ulit. I can't explain kun gaano ako kasaya ngayon. I know masasaktan pa rin ako but one thing is for sure, alam kong mahal niya ako.

 "Is Angelica part of these?"

 "Yeah, sinabi ko sa kanyang wag sabihin sayong nakauwi na ako dito sa Pilipinas."

 "Ikaw talaga. Akala ko magpo-propose kana kanina sa girlfriend mo eh..o di kaya kay Alice..."

 "Kahit kailan alam mong kaibigan lang talaga ang turing ko kaya Alice...ikaw ang mahal ko."

"Thank you Matt. Thank you for filling the emptiness in my life."

"Rei?"

"Hmmm?"

"This time, I promise you forever."

"Yeah. Forever."

*END*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento